Mike : Pwede bang magpa-pustiso kahit walang ng kakapitan?
Pangasinan Dentist : Pwede. Pero meron at merong kakapitan. Imposibleng wala. 🙂
Mike : Pwede bang magpa-pustiso kahit walang ng kakapitan?
Pangasinan Dentist : Pwede. Pero meron at merong kakapitan. Imposibleng wala. 🙂
Leon Guerrero : Good morning Doc. Pwede ba magpa brace pag naka pasta?
Pangasinan Dentist : Oo Leon. Puwedeng magpa dental braces ang may pasta. 🙂
Julie : Doc, magkano po ba ang wisdom tooth extraction.
Pangasinan Dentist : Hi Julie. Ang wisdom tooth extraction ay nagkakalahalaga ng P5,000 pataas. 🙂
Eric : Doc, hindi ba masama ang ngipin na di natuloy ang bunot?
Pangasinan Dentist : Masama Eric. Dapat mo din ituloy ang pagpapabunot diyan dahil hindi naman susubukang bunutin yan kung hindi indicated para bunutin. Kaya hindi man natuloy mabunot, dapat mo ding ipabunot. 🙂
Gretchen : Dok, anung gamot sa bukol sa gilid nang ngipin?
Pangasinan Dentist : Hi Gretchen. Dapat makita ng dentist ang bibig ng anak mo para makita kung ano ang dahilan ng bukol. Kapag nalaman na ang sanhi, doon pa lang malalaman kung ano ang gamot.
Huwag kang manghinayang sa gagastusin mo sa dentist lalo na’t bukol iyan. Kapalit naman ng gastos mo ay ang ikabubuti ng dental health ng anak mo. 🙂
Lyra : Doc, gaano katagal magpa pasta ng ngipin?
Pangasinan Dentist : Hi Lyra. Kahit gaano katagal. Depende sa laki ng butas at lala ng caries. Depende din ito kung ito ba ay anterior teeth o posterior teeth. May mga mabilis gawin na pagpapasta at may mga matatagal gawin na pagpapasta.
Adrian : Doc, anong gagawin pag masyado ng malaki ang butas ng ngipin?
Ask the Dentist Pangasinan : Kung hindi pa naman umabot sa pulp, dapat itong jacket crown. Kung umabot na sa pulp, kailangan muna itong I-root canal treatment bago i-jacket crown. 🙂
Roy : Sabi ng dentist ko, di na pwede pastahan na ngipin. Ano po ang pwede kong gawin?
Ask the Dentist : Hi Roy. Depende sa kung ano ang kundisyon ng ngipin mo, pwede mong ipa-RCT. Kung hindi pa naman involved ang pulp, pwede itong I crown. Kung malalang mala na, pwede mo itong ipa-bunot.
Grover : Doctor, is it possible to have jacket teeth if you are pustiso?
Ask the Dentist Pangasinan : Hi Grover. Yes, it is possible. Dental implants can be placed to hold the jacket crown.
Kaye : Magkano magpa brace pag upper lang?
Ask the Dentist Pangasinan : Hi Kaye. Sa dental braces, hindi pwede na upper lang ang lagyan. Hindi din pwede na lower lang ang lalagyan. Upper at lower lagi ang nilalagyan sa Orthodontic treatment. Ang maxilla at mandible mo ay magkatugma. Laging upper at lower ang nilalagyan.