Nasisira ba ang Pasta sa Ngipin

Chrysler : Doc, nasisira ba ang pasta sa ngipin?

Ask the Dentist Pangasinan : Hi Chrysler. Oo, nasisira din ang pasta ng ngipin. Hindi porke napastahan na, hindi na ito masisira. Masisira din ito. Kaya dapat mong pangalagaan ang ngipin mong napastahan tulad ng sa iba mo pang ngipin na walang sira. Hindi porke napastahan na, hindi mo na ito ba-brush-in. May ilan akong patient na dahil napastahan na hindi na ulit nag-toothbrush.

Anong gagawin kapag may 1 ngipin na bungi?

Claudine: Anong gagawing kapag may 1 ngipin na bungi?

Ask the Dentist Pangasinan : May tatlo kang option:

  • dental implant
  • fixed bridge
  • removable denture

Dental implant ay conservative sa remaining teeth, dahil hindi mo gagalawin ang iba pang mga ngipin sa pagrestore ng missing tooth. Sa fixed bridge, kailangang bawasan ang mga katabing ngipin para siyang kakapitan ng bridge. Ang removable denture naman ang pinakamurang treatment. 🙂

%d bloggers like this: