Paano nga ba ginagawa ang pustiso? Ating silipin ang personal dental lab ng Pangasinan Dentist sa Rosales Pangasinan.
Nagsisimula ang lahat sa pagsusukat ng bibig ng pasyente.
Mula sa sukat, ginagawa ang modelo. Ito ay tinatawag ding cast. Ito ay kopya ng sinukatang bungal na upper jaw ng pasyente.
Sa cast, ginagawa ang wax denture. Ang wax denture ang sinusubukan o pini-fit sa pasyente upang makita ang itsura at kung tama ang nakuhang kagat, bago iluto ang pustiso.
Bago iluto, inihahanda muna ang wax denture. Ito ay pinapakinis at inaayos ang kurba ng mga gilagid.
Ang wax ay pinapalitan ng acrylic resin na kulay pink. Dito din nilalagyan ng kulay base sa kulay ng gilagid ng pasyente. Sa Pangasinan Dentist, kinokopya namin ang kulay ng gilagid ng pasyente.
Sa Pangasinan Dentist, ang pustiso ay iniluluto ng walo hanggang sampung oras (8 – 10 hrs).
Pagkatapos maluto, ito ay pinapakinis at inihahanda sa pag-issue sa pasyente.
Para sa karadagang impormasyon, basahin ang English Version ng paggawa ng pustiso.