Lorna : Anong tawag sa graduated sa dentist?
Pangasinan Dentist : Dentist.
Lorna : Anong tawag sa graduated sa dentist?
Pangasinan Dentist : Dentist.
Filo : Magkano braces taas lang?
Pangasinan Dentist : Laging upper at lower ang braces.
Lamberto : Saan mura magpagawa ng pustiso?
Pangasinan Dentist : Saan pa, eh di sa clinic namin. 🙂
Mylene : Paano maayos ang basag na gums ng pustiso?
Pangasinan Dentist : Hindi basta basta ang pagrepair ng basag na gums. Kailangang dentist mismo ang gagawa.
Glenda : Pano maayos ang sungki?
Pangasinan Dentist : Sa pamamagitan ng braces.
Bryan : Pwede ba magpapasta muna bago braces/
Pangasinan Dentist : Oo. Papastahan muna talaga ang dapat pastahan bago magbraces.
Darlene : Pwede bang magpa root canal ng nakabrace?
Pangasinan Dentist : Oo pwedeng magparoot canal treatment habang nakabraces.
Pilo : Dapat ba walang sirang ngipin kapag nagpa brace?
Pangasinan Dentist : Oo. Kaya dapat munang pastahan ang mga dapat pastahan bago ilagay ang braces.
Marlon : Pasta sa ipin pwede ba ang toothpaste?
Pangasinan Dentist : Ang ibig mo bang sabihin ay may pasta ka, at gusto mong magtoothbrush at natatakot ka kung may masamang epekto ang toothpaste sa pasta mo? Kung yan ang ibig mong sabihin ay pwedeng pwede kang magtoothbrush.
Richard : Pwede bang mag retainer kahit naka crown ng ngipin?
Pangasinan Dentist : Oo pwede.