Happy birthday papa Jesus!
Merry Christmas
Happy birthday papa Jesus!
Happy birthday papa Jesus!
Neptalie : Hi gud morning mag tatanung lng po mag kano po ang mag pa implant ng ngipin salamat po
Umingan Dentist : 70 k pataas ang presyo ng dental implants sa Pinas.
Andres : Doc, pwede ba ako uminom ng ginebra mamaya. Kakabunot ko po.
Pangasinan Dentist : Hindi pwede. Wag ka muna uminom ng alak.
Rolly : Pwede ba magpaadjust ng braces sa inyo?
Pangasinan Dentist : Pwede ka magpaadjust kung sa amin ka nagpabraces. Kung hindi ka nagpabraces sa amin, dapat ka magpaadjust sa dentist na nagbraces sayo.
Albert : Pwede bang kumain ng mani ang pustiso?
Pangasinan Dentist : Oo, pwede. Sa bagong pustiso, maninibago ka sa pagkain. Pero pagkalipas ng ilang buwan, masasanay ka nang kumain gamit ang pustiso mo.
Gina : Pwede po bang magpabraces ang balikbayan. Sa US ko na ipapa-adjust.
Pangasinan Dentist : Hindi. Kung saan ka madalas, doon ka magpabraces. Mahihiarapan kang makapaghanap ng American dentist na gagawa sa tulad ng balak mo.
Jack : Pwede po bang kumain ng ice cream kapag nagpabunot ng ngipin?
Pangasinan Dentist : Oo, pwede.
Connie : Pwede po ba magpabridge ang walang ngipin?
Pangasinan Dentist : Hindi. Ang bridge may kakapitan dapat. Kung wala nang ngipin, wala nang kakapitan. Pwede ka magpabridge kung nagpadental implant ka. Yung dental implants ang kakapitan ng bridge.
Janna : Pwede po ba magpabraces ang may jacket crown?
Pangasinan Dentist : Pwede. Pwedeng magpabraces ang may jacket crown.
Rolando : Magkano ang bridge para sa isang ngipin?
Pangasinan Dentist : Hi Rolando. Madaming klase ng bridge. Depende sa klase, materyales na ginamit at ilan ang bungi ang presyo ng bridge. 12 thousand pesos pataas ang bridge na mukhang ngipin, para sa isang bungi. Porcelain fused to metal na bridge ang may pinakamababang price.