Gusto maging jacket ang pustiso

Bryan : hi good day po , ask ko alng po kung may change pa po ung ngipin ko mag pa jacket sa upper po dhil nka pustiso na po ako at gusto ko kase mag pa jacket para d halata po , ung ng pa check po ako sa may mendiola po pwde raw po sa upper case ko po 42k plus po ang lahat up and down na po ung . ksu ng pa check po ulit po ako sa near area dental clinic ang sbe po ippapustiso po nalang po ung upper case ko po dhil wala na raw kkabitan daw ppo .. naguguluhan na po kase ako e mkapag desisyon po . kung saan po ako magppajacket po

Pangasinan Dentist : Ang jacket ay para sa ngipin. Kung walang ngipin ano ang ijajacket mo?

Paano Ginagawa ang Pustiso

Paano nga ba ginagawa ang pustiso? Ating silipin ang personal dental lab ng Pangasinan Dentist sa Rosales Pangasinan.

Nagsisimula ang lahat sa pagsusukat ng bibig ng pasyente.

Impression ng pasyente
Impression ng pasyente

Mula sa sukat, ginagawa ang modelo. Ito ay tinatawag ding cast. Ito ay kopya ng sinukatang bungal na upper jaw ng pasyente.

Model ng upper jaw ng paseynte
Model ng upper jaw ng paseynte

Sa cast, ginagawa ang wax denture. Ang wax denture ang sinusubukan o pini-fit sa pasyente upang makita ang itsura at kung tama ang nakuhang kagat, bago iluto ang pustiso.

Wax denture para masubukan muna sa pasyente
Wax denture para masubukan muna sa pasyente

Bago iluto, inihahanda muna ang wax denture. Ito ay pinapakinis at inaayos ang kurba ng mga gilagid.

Inihahanda sa pagluluto ng pustiso
Inihahanda sa pagluluto ng pustiso

Ang wax ay pinapalitan ng acrylic resin na kulay pink. Dito din nilalagyan ng kulay base sa kulay ng gilagid ng pasyente. Sa Pangasinan Dentist, kinokopya namin ang kulay ng gilagid ng pasyente.

Ilalagay na ang acrylic upang iluto
Ilalagay na ang acrylic upang iluto

Sa Pangasinan Dentist, ang pustiso ay iniluluto ng walo hanggang sampung oras (8 – 10 hrs).

Pagkatapos maluto, ito ay pinapakinis at inihahanda sa pag-issue sa pasyente.

Processed denture
Processed denture

Para sa karadagang impormasyon, basahin ang English Version ng paggawa ng pustiso.

May Pustiso na Po Ako

Ice : hi doc may pustiso na po ako. at
kelangan bunutin ung 2 kong ngipin
kasi sira na at may kelangan din pong
pastahin kaso pag binunot ngipin ko
baka di na po kumapit ang pustiso ko.
napasok po kasi ako sa trabaho. so
papagawa na lang ba ko ulit ng
pustiso? at ilang days po ba pagawa
nito?

may pde kaya ilagay yung dentist para kumapit pa din pustiso ko para habang inaantay ko yung bago kong pustiso pag tapos akong bunutan? tanong lang doc kasi po ayaw ko umabsent sa trabaho.

please doc naguguluhan na ko kung anong diskarte gagawin ko ayaw ko nmn po umabsent at sabhin s work na aabsent ako kc papagawa ako ng pustiso i hope you reply.

Pangasinan Dentist : Pagawa ka ng bago. Kung may specialization ang dentist mo sa prothodontics, 1 day lang gawa na.

Ice : 1 day pag katapos bunutan? pde na po sukatan? doc may permanent pustiso po ba na yung pinaka murang price? tsaka may side effect ba yung ganun?
1 day pag katapos bunutan? pde na po sukatan? doc may permanent pustiso po ba na yung pinaka murang price? tsaka may side effect ba yung ganun?
sige doc salamat sa payo ung mura lang muna bilhin ko 2k lang kasi budget ko
may alam po ba kayo sa las pinas area? yung mura lang po package na rin po ang bunot pasta at pustiso? yung presyong abot kaya po. salamat po ng marami doc sa pag bibigay ng time sa pag sagot ng tanong ko.

Pangasinan Dentist : Walang permanent na bagay sa mundo.