Bridge Cost

Rolando : Magkano ang bridge para sa isang ngipin?

Pangasinan Dentist : Hi Rolando. Madaming klase ng bridge. Depende sa klase, materyales na ginamit at ilan ang bungi ang presyo ng bridge. 12 thousand pesos pataas ang bridge na mukhang ngipin, para sa isang bungi. Porcelain fused to metal na bridge ang may pinakamababang price.

Yellow Teeth

Adrian : hi po doc nakakaranas po ako ng yellow teeth pano po ito nakukuha ? . nag tooth brush naman po ako pero hindi naman ito nag babago hindi naman po ako naninigarilyo . pano po ito mawawala ? pag nag palinis po ba ako ng ngipin mawawala na po ba ito at hndi na babalik . magkano po ang palinis ?? salamat po sa inyong sagot at oras

Pangasinan Dentist : Send photo. Depende sa dahilan ng paninilaw kung ano ang dapat gawin.