Masakit ba lagyan ng braces?

Kat : Masakit ba lagyan ng braces?

Ask the Dentist Pangasinan : Hi Kat. Oo, mayroon kang discomfort na madadama sa dental braces, at ito’y nakadepende sa pain tolerance mo kung ito ba ay masakit. Ito ay dahil sa force na inaaapply sa iyong mga ngipin.

Ano itsura ng jacket crown

Noy : Doc. Ano ba ang itsura ng jacket crown?

Ask the Dentist Pangasinan : Hi Noy. Sa jacket crown restoration, dapat mukhang ngipin. Yan ang target natin sa crown, magmukhang ngipin at magfunction as part ng ngipin. Tignan mo ang picture sa harap ng website namin para makita mo ang sinasabi ko.

Pwede bang magpa braces kahit may jacket

Kathleen : Hello doc! Pwede bang magpa braces kahit may jacket?

Ask the Dentist Pangasinan : Hi Kathleen. Oo, pwede kang magpa-braces kahit may jacket. 🙂

Nasisira ba ang Pasta sa Ngipin

Chrysler : Doc, nasisira ba ang pasta sa ngipin?

Ask the Dentist Pangasinan : Hi Chrysler. Oo, nasisira din ang pasta ng ngipin. Hindi porke napastahan na, hindi na ito masisira. Masisira din ito. Kaya dapat mong pangalagaan ang ngipin mong napastahan tulad ng sa iba mo pang ngipin na walang sira. Hindi porke napastahan na, hindi mo na ito ba-brush-in. May ilan akong patient na dahil napastahan na hindi na ulit nag-toothbrush.

Pwede bang magpa braces kahit may crown ang ngipin?

Joanne : Doc, pwede bang magpa braces kahit may crown ang ngipin?

Ask the Dentist Pangasinan : Hi Joanne. Oo, puwedeng mag dental brace kahit may crown ang ngpin mo. 🙂

Anong gagawin kapag may 1 ngipin na bungi?

Claudine: Anong gagawing kapag may 1 ngipin na bungi?

Ask the Dentist Pangasinan : May tatlo kang option:

  • dental implant
  • fixed bridge
  • removable denture

Dental implant ay conservative sa remaining teeth, dahil hindi mo gagalawin ang iba pang mga ngipin sa pagrestore ng missing tooth. Sa fixed bridge, kailangang bawasan ang mga katabing ngipin para siyang kakapitan ng bridge. Ang removable denture naman ang pinakamurang treatment. 🙂