Pwede bang Magbraces ang Balikbayan?

Gina : Pwede po bang magpabraces ang balikbayan. Sa US ko na ipapa-adjust.

Pangasinan Dentist : Hindi. Kung saan ka madalas, doon ka magpabraces. Mahihiarapan kang makapaghanap ng American dentist na gagawa sa tulad ng balak mo.

Pwede ba Magbridge

Connie : Pwede po ba magpabridge ang walang ngipin?

Pangasinan Dentist : Hindi. Ang bridge may kakapitan dapat. Kung wala nang ngipin, wala nang kakapitan. Pwede ka magpabridge kung nagpadental implant ka. Yung dental implants ang kakapitan ng bridge.

Bridge Cost

Rolando : Magkano ang bridge para sa isang ngipin?

Pangasinan Dentist : Hi Rolando. Madaming klase ng bridge. Depende sa klase, materyales na ginamit at ilan ang bungi ang presyo ng bridge. 12 thousand pesos pataas ang bridge na mukhang ngipin, para sa isang bungi. Porcelain fused to metal na bridge ang may pinakamababang price.

Pwede bang I-Braces

Mahree : Doc pwede po bang ma i brace ang teeth ko? Gusto ko po kasi yung central incisor ko bago ko po ipa porcelaine mapalaki yung space para sana kasing laki nung isang incisor ko po…. wala na rin po akong 1st and 2nd premolar

For Braces
For Braces

Pangasinan Dentist : Pwede.

Mahree : THANK YOU DOC!

Yellow Teeth

Adrian : hi po doc nakakaranas po ako ng yellow teeth pano po ito nakukuha ? . nag tooth brush naman po ako pero hindi naman ito nag babago hindi naman po ako naninigarilyo . pano po ito mawawala ? pag nag palinis po ba ako ng ngipin mawawala na po ba ito at hndi na babalik . magkano po ang palinis ?? salamat po sa inyong sagot at oras

Pangasinan Dentist : Send photo. Depende sa dahilan ng paninilaw kung ano ang dapat gawin.

Inquiry about Dental Procedure

Kichie : Hi what dental procedure should be done to remove the black stain inside the tooth. How much will it cost? Thanks

For Pasta
For Pasta

Pangasinan Dentist : Kung kaya pa ng pasta, ipapasta mo. Kung sumakit na, RCT.

Masakit ba ang Jacket

Michelle : good morning po,,,tanung ko lang po kung masakit b tlga ung ngipin na tinistis para kabitan ng jacket?

Pangasinan Dentist : Hindi. Para ka lang kinagat ng higanteng langgam.