My teeth is ngilo can it be jacketed?

Brenna : Hi Doc. My teeth is ngilo can it be jacketed?

Pangasinan Dentist : If there’s no infection and your periodontal health is okay, your teeth can be restored with porcelain jacket crown. 🙂

Masakit ba magpapermanent ng teeth?

Wilson : Doki! Masakit ba magpapermanent ng teeth?

Pangasinan Dentist : Base sa pagkakaintindi ko sa tanong mo, ang sagot ay hindi masakit. Pero walang permanent na bagay sa mundo.

Lifespan ng ngipin

Dondon : Hi Doc, ano ba ang lifespan ng ngipin?

Pangasinan Dentist : Tricky ng tanong mo. Kung napangalagaan nating mabuti ang ngipin mo, habambuhay ang itatagal niyan bilang pangnguya at pangngiti mo. 🙂

Masakit ba magpabunot ng bagang

Nora : Hi Dr. Masakit ba magpabunot ng bagang?

Ask the Dentist : Hi Nora. Nakadepende iyan sa galing ng dentist mo at level ng tolerance mo sa pain. 🙂 Pero dapat hindi masakit.

Pwede bang magpa-pustiso kahit walang ng kakapitan

Mike : Pwede bang magpa-pustiso kahit walang ng kakapitan?

Pangasinan Dentist : Pwede. Pero meron at merong kakapitan. Imposibleng wala. 🙂

Pwede ba magpa brace pag naka pasta

Leon Guerrero : Good morning Doc. Pwede ba magpa brace pag naka pasta?

Pangasinan Dentist : Oo Leon. Puwedeng magpa dental braces ang may pasta. 🙂

Magkano ang wisdom tooth extraction

Julie : Doc, magkano po ba ang wisdom tooth extraction.

Pangasinan Dentist : Hi Julie. Ang wisdom tooth extraction ay nagkakalahalaga ng P5,000 pataas. 🙂