Denture Care

Denture Care - dentistpangasinan.com
Denture Care – dentistpangasinan.com

Denture Care for Complete Denture and Removable Partial Denture Patients

Cleaning

Dapat linisin ang pustiso matapos kumain. Tanggalin ang pustiso. Gumamit ng soft bristle brush. Gumamit ng dish washing liquid (na may halong tubig) sa pagbabarush. Nakakagasgas ng pustiso ang pagbabrush kapag gumamit ng ordinary toothpaste. Lagyan ng tabong may tubig na pansalo habang nagbabrush ng pustiso upang hindi mabasag o mabiyak kapag nabitawan ang pustiso habang nililinis ito.

Sa mga pagkakataong hindi mabrush ang pustiso, kailangang tanggalin at banlawan ang pustiso matapos kumain. Magmumog. Kahit gaano kalapat at kainam ang pagkakagawa ng pustiso, mayroon at mayroong papasok na pagkain sa loob. Kailangan matanggal ang pagkaing sumiksik sa pagitan ng pustiso at iyong gilagid dahil pwede itong maka-irritate sa iyong gilagid at iba pang soft tissue.

Wearing

Ang pustiso ay naiiba kumpara sa natural na ngipin. Ito ay gagalaw kapag ikaw ay kumain o nagsalita. Kahit ang chewing efficiency ay bababa ng 30%.

Sa mga unang mga araw, kailangan mong masanay sa iyong pustiso. Kailangan mo itong isuot lagi lalo na sa unang araw.

Kailangan ng practice sa pagsasalita. Humarap sa salamin at magbasa ng malakas. Ito ay gawin hanggang masanay na magsalita suot ang iyong bagong pustiso.

Kailangan mong masanay sa iyong pagkain gamit ang bagong pustiso. Magsimula sa malambot at madaling nguyain na pagkain. Kumagat ng maliliit. Ngumuya sa magkabilang side nang sabay. Hindi na iyan natural na ngipin na pwede kang ngumuya sa isang side lang. Hiwain ang pagkain sa maliliit na piraso bago kainin.

Maaring magkaroon ng pamumula at pananakit sa gilagid sa ilalim ng pustiso. Bumalik ka lang sa clinic upang maadjust ang pustiso.

Wag isuot ang pustiso kapag ikaw ay matutulog. Kailangang makapagpahinga ang iyong gilagid. Ilagay ang pustiso sa basong may tubig. Takpan ito upang hindi tangayin ng daga.

Hindi mapipigilan ang pagkalawlaw ng pustiso sa iyong pagtanda. Dahil ang iyong buto at iyong gilagid ay liliit. Kaya kailangan mo itong ipa-reline matapos ang ilang mga buwan. At kailangan mo ding magpagawa ng bagong pustiso kada 3 (tatlo) o 5 (lima) taon.

Para sa karagdagang impormasyon bisitahin ang mga website na ito:
http://www.denturescostguide.com
http://www.dentures.com.ph
http://www.costdentures.com/
http://www.denturesaffordable.com

Dr. Jesus Orlando M. Lecitona
MScD Prosthodontics

Miclat Lecitona Dental Clinic
56 San Antonio St.
Rosales Pangasinan
Mobile No.: 0915 590 3404
0929 696 6232
Website: http://www.dentistpangasinan.com

© 2013. Dr. Jesus Orlando Lecitona

Leave a Reply