Denture, bridge at implant

Mylene : hi doc, good eve! pano po kya ang dpat na procedure s ngipin ko, 4 nlng po kc ung permanent teeth q s upper front, wla n po ung 2 canine q. then may natitira pa po ako n 1milk tooth o baby tooth s front, ano po kya ang mgandang procedure?

Pangasinan Dentist : Pwede bridge, pwede denture. Kung kaya mong gumastos para sa implants, pwede din.

Tilite Bridge with Precision Attachment

Affordable Tilite Bridge with Precision Attachment

Back (distal) view of tilite bridge, fixed movable component on the distal of the matrix - dentistpangasinan.com
Back (distal) view of tilite bridge, fixed movable component on the distal of the matrix – dentistpangasinan.com
Buccal view of tilite bridge, fixed movable component on the distal of the matrix - dentistpangasinan.com
Buccal view of tilite bridge, fixed movable component on the distal of the matrix – dentistpangasinan.com
Distal of the fixed-fixed component and the matrix of precision attachment - dentistpangasinan.com
Distal of the fixed-fixed component and the matrix of precision attachment – dentistpangasinan.com

Porcelain Fused to Metal Bridge

Porcelain fused to metal bridge for 3 missing teeth with 4 abutments. The lateral incisor was endodontically treated. Post and core was placed after RCT. The patient is very happy with the final fixed restoration.

3 missing teeth, central incisors and 1 lateral incisor. - dentistpangasinan.com
3 missing teeth, central incisors and 1 lateral incisor. – dentistpangasinan.com
Esthetically pleasing porcelain fused to metal bridge - dentistpangasinan.com
Esthetically pleasing porcelain fused to metal bridge – dentistpangasinan.com

Sumasakit na Ngipin

Pabz : sir gudmorning poh.. doc seaman po q nagpadental checkup poq sa singapore nun dumating don ung barko namen kasi sumasakit po.. ang sabi ng dentist eh dahil daw sa malaki na ung pagka pasta kaya naiiritate daw po kaya sabi nya pag balik ko ng pinas eh pa RCT qdaw.. naun po after a month napansin ko pong me abscess na gums q namamaga sya pero di sumasakit.. naun baka after 20 days pa po bago kame dumating sa next port namen.. ano po kaya ang pede qng gawin?tnx…

Pangasinan Dentist : May antibiotics ba sa barko niyo?

Pabz : sir gud morning me dala poq na antibiotics amoxicilin na 5oo mg … tnx

Pangasinan Dentist : Amoxicillin muna, 1 tablet every 8 hours for 1 week.

Pabz : ok doc maraming salamat po sa advise…

Pudpod na Ngipin

Paul Muyco : Doc musta po kita ko sa net itong link niyo gusto ko lang po sana mag tanong marami po akong napabayaan na ngipin yung iba po napudpud na balak ko na po ipabunot pero gusto ko lang po sana itanong kung posible pa po ba na mapasta ang pudpud na ngipin o dipende po sa sitwasyon ng isang ngipin.. Mag kano na po ba cost ng pabunot ng ngipin sa mga private dental clinic? Thanks

Pangasinan Dentist : Mabuti pa ipapanoramic x ray mo muna para makit kung pwede pa irestore.

Paul Muyco : Good pm Doc.. ano po ba ang masamng epekto ng Periodental Disease meron po kasi akong ganun sa ngipin ko na may sira.. medyo matagal na din po yun hindi nawawala.. paano po ba magamot ang periodental disease? thanks

Pangasinan Dentist : Kapag napabayaan, mauubos ang ngipin mo. Magagamot sa pamamagitan ng madalas na pagpapalinis ng ngipin sa dentist.

Butong Napagkamalang Ngipin

Yankumi : gud pm poh uli…pinabunot ko na poh ung sirang ngipin ko poh sa bagang ung molar ko katabi ng wisdom teeth…nung nabunot na poh xa parang may nasalat po ako ng matigas kaya po ibinalik ko dun sa dentistang nagbunot ng teeth ko sabi nia poh buto ung nasasalat ko… then habang tumtagal po mga 5 days na poh ngayon nasasalat poh ng dila ko na may tumubong matigas sa may gums ko poh kung san ako binunutan… anu poh kaya un? buto poh kaya un nasasalat ko nung tinouch ko ng daliri ko matigas xa na parang teeth… im so worried poh tlga f anu ung matigas na yun… di pa poh kc ako makabalik sa dentist na nagbunot sken kc wala pa poh ako pera

Yankumi : and after po mawala nung anesthesia nung binunot ngipin ko hnd nmn na po xa sumakit at di na din po masyado nagdugo… yun nga lang po may tumubong matigas sa my gums ko sa gilid ng nabunutan… anu po kaya ito buto o ngipin na natira… matigas po xa pagsinasalat pero di nmn po xa masakit…

Yankumi : nagpateeth cleaning poh kc ako tpos bunot…

Pangasinan Dentist : Ipa-xray mo para makita ko.