Masama ang ngipin na di natuloy ang bunot?

Eric : Doc, hindi ba masama ang ngipin na di natuloy ang bunot?

Pangasinan Dentist : Masama Eric. Dapat mo din ituloy ang pagpapabunot diyan dahil hindi naman susubukang bunutin yan kung hindi indicated para bunutin. Kaya hindi man natuloy mabunot, dapat mo ding ipabunot. 🙂

Anung gamot sa bukol sa gilid nang ngipin?

Gretchen : Dok, anung gamot sa bukol sa gilid nang ngipin?

Pangasinan Dentist : Hi Gretchen. Dapat makita ng dentist ang bibig ng anak mo para makita kung ano ang dahilan ng bukol. Kapag nalaman na ang sanhi, doon pa lang malalaman kung ano ang gamot.

Huwag kang manghinayang sa gagastusin mo sa dentist lalo na’t bukol iyan. Kapalit naman ng gastos mo ay ang ikabubuti ng dental health ng anak mo. 🙂

Magkano magpa brace pag upper lang

Kaye : Magkano magpa brace pag upper lang?

Ask the Dentist Pangasinan : Hi Kaye. Sa dental braces, hindi pwede na upper lang ang lagyan. Hindi din pwede na lower lang ang lalagyan. Upper at lower lagi ang nilalagyan sa Orthodontic treatment. Ang maxilla at mandible mo ay magkatugma. Laging upper at lower ang nilalagyan.